Pokerface   1 comment

Bibihira lang sa buhay natin ang pagkakataong makakakita tayo ng random na tao na kamukha natin. Syempre exempted na dyan ang mga magulang at iba pang kamag-anakan natin. Yung mga taong never heard talaga natin tas biglang pagtingin natin ay para tayong nakaharap sa isang salamin. Syempre may mga pagkakataon na ang kamukha natin ay sobrang ganda o gwapo ng itsura at masasabi na natin na iyon ang “stress free prettier/more handsome version” of me. Kaso ang ibig sabihin natin ikaw yung panget na version. Hahaha. Minsan naman ay may mga tao na sa sobrang sikat ng kamukha ay nawawalan na ng privacy, and worse, ng personality. Hanggang istura na lang ang kaya nilang ioffer.

Take this for instance: sa mundo ng showbiz, andaming artista ang nakikilala sa umpisa bilang kamukha ng isa pang mas sikat na personalidad. Si Joem Bascon ay isang Piolo Pascual clone. Si Sheree ang millennium version ni Vivian Velez. Si John Lapuz ang nawawalang kakambal ni Jett Pangan. Hahaha. Yan ang tinutukoy ko na nawawalan ng personality. Hangga’t di sila gagawa ng paraan upang makilala, habambuhay na silang nakatago sa anino ng mga nauna at mas sikat sa kanila.

Sa buong buhay ko, bibihira ko lang din naman masasabi na nakakita ako ng taong kahawig ko talaga ang itsura. Hindi yung mga jokes kung saan basta may lalaking mataba ako na yun (unless ako yung matabang Sam Milby sa My Big Love, okay lang sa akin yun) or lahat ng singkit eh ako na din. Or pag minalas basta’t mataba’t singkit eh ako na (unless ako nga yung tinutukoy nila). Una akong nakakita ng kamukha eh nung Grade 6 ako. Kabatch ko siya. Konti lang naman kami kaya kilala namin lahat. Hindi kami magkasection. May mga nagsasabing kaya daw ganun eh para dispersed ang itsura namin, tig-isa sa dalawang section. Aaminin ko na kamukha ko siya, pareho kaming payat tas hindi ko mapinpoint specifically kung saan kami hawig (mata siguro) pero yung final product eh mapagkakamalan nga kaming magkadugo. Last time I checked eh hindi na naman kami magkamukha so siguro dala lang yan ng teenage years (Kung makaimbento naman ako. HAHAHAHA).

Ang pangalawang masasabi kong kamukha ko eh nung 2nd year HS ako at siya ay yung batang gumanap na batang Johnny sa unang Endless Love. Bilang may taste naman akot at hindi ako isang Kapuso, hindi ko alam na nageexist ang taong ito. O for reference, look at this picture:

Oo sa maniwala ka o hindi eh kahawig ko yan. Hindi pa naman ako patabaing baboy noon. O mabalik na ako, umaga after ipalabas ng Endless Love, ay tinatawag na akong Johnny ng mga tao. Wala naman akong ideya kung sino yun. Nakatulong rin siguro na blue ang polo sa school uniform namin. May isang beses na tumawag sa bahay namin ang nanay ng isa kong kaklase at pinilit ako manood ng Endless Love para daw makita ko na siya. To be fair ay antagal ko naghalungkat kung meron akong picture ng mga panahong to at sa kinasamaang palad ay wala dahil hindi pa uso ang digicam nun.

Sumunod ay nung kolehiyo na ako. Sabi ng aking mga mababait na kaibigan ay kamukha ko daw si Bekimon. Yung komedyante na sidekick ni Bianca Manalo sa Juanita Banana. Dahil daw ito pareko kaming mataba at malapad ang mukha. Pero nakita ko na si Bekimon sa personal at ako ang magpapatunay na hindi kami magkamukha. Kutis pa lang eh tiklop na ako sa kanya. May mga resemblance siguro pero hindi yung parang pinagbiyak na bunga ang itsura namin. Pero para fair, ito ang larawan courtesy of Trixie Velasquez.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tatanggapin ko ang mga sinasabi ng mga tao ka kamukha ko. Hindi naman ako choosy no dahil wala akong karapatang maging choosy dahil hindi naman maganda ang itsura ko. Kamukha ko raw si Magnifico pero nung pre-rehab days pa niya. Pero naman, hindi maitatanggi na ang katulad ng susunod niyong makikita ay madaling pabulaanan at kathang isip lamang ng mga high na tao na nagngangalang Pam Quintos.

Tandaan niyo na hanggang mamatay ako ay idedeny ko na kahawig ko si Nadia Montenegro.

Para sa aking gradpic, ginamit ko ang isang matabang singkit bilang isang inspiration. Si Russell ng Up. Hehe.

At ngayong linggo lang ay nakita ko na ang pangatlong taong aaminin ko na kamukha ko. Tinext lang ako ng isang kaibigan na kamukha ko nga daw ang isang nasa commercial ng noodles. Naisip ko ng icheck pero nawala ito sa isip ko hanggang may magbanggit na naman na kamukha ko nga daw. So salamat kay YouTube at nakita ko ang commercial. Pagkakita ko ay natatawa ako dahil aamin na ako na kamukha ko nga siya. Hahahaha. Yung sa commercial ng Kari at Po-ku ng nLucky Me. Yung isa dun na hindi nakasalamin. O ito na nga bago ka pa maghanap:

Ayan natatawa na naman ako. Ganyang ganyan ang itsura ko pag nakapikit at ganyan din ang bagsak ng buhok ko. Haha. Pero mas payat daw siya so sana wake up call na yan na sumali na ako sa Biggest Loser.. este na magpapayat ako. Haha. Pero nakakatawa dahil ang mga kakilala ko eh malalaman na magkahawig nga kami.

O ano, kamukha ko ba siya? And moreover, ikaw sino ang kamukha mo? đŸ™‚

EDIT: May nagpaalala sa akin ng isang kamukha ko. Kayo na ang humusga: http://www.facebook.com/wilson.zero

Advertisements

Posted May 31, 2011 by Nicol Latayan in Personal

Tagged with

One response to “Pokerface

Subscribe to comments with RSS.

  1. Haha! Ako daw, si KC Concepcion at si Camille Prats (na never kong nakita sa sarili ko). Tapos nung bata ako, si Nikki Valdez (kasi madalas malaki butas ng ilong ko sa photos cos di pa ako marunong mag-emote) and si Alyssa Gibbs.

    Pag naka-make up si Vina Morales daw. Ang dami noh. Kawawa naman ako! =))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: