Archive for the ‘pacquiao’ Tag

Battlefield   Leave a comment

Nanonood ako ng TV Patrol kagabi at sobrang di ako makapagpigil ng tawa ng makita ko si Noli de Castro na nagpipigil ng kanyang tawa after hingan ng statement si  Mommy Dionisia Pacquiao sa panghahamon ni Senator Miriam Defensor-Santiago dahil sa issue ng RH Bill.

10 THINGS KUNG BAKIT SAYANG SAYA AKO SA NAPANOOD KO

1. Kasi nakakatawa manood ng mga taong nagpipigil sa pagtawa.

2. Nakakatawa na hindi ko pa rin mawari kung ano ba yung malaswa sna tinutukoy ni Mommy Dionisia.

3. Kasi nakakatawa manood kapag si Kabayan Noli ang nagpipigil ng tawa.

4. Dinig na dinig ang tawanan ng mga staff sa studio habang nagpipigil din ng tawa si Noli.

5. Nagshare si Mommy Dionisia ng personal experience niya sa issue ng RH Bill.

6. Kasi lukaret si Mommy D at di daw siya galit kay Sen. Miriam pero sigaw siya ng sigaw.

7. Ang uncertainty sa tono ng pananalita ni Mommy D ng sabihin niyang Congressman ang anak niya. Di ka sure Mommy? 🙂

8. Nagpipigil ng tawa si Noli.

9. Naimagine ko minumura ni Noli ang staff na dahil hindi niya mapigilan ang pagtawa.

10. Naimagine ko na sina Ted at Korina ay namamatay na din kakatawa sa gilid.

Advertisements

Posted May 19, 2011 by Nicol Latayan in TV

Tagged with , ,